Wednesday, February 23, 2011

TALAMBUHAY NI RONALYN CARANDANG

bata pa ako ih...
        Ako si ronalyn C. carandang ipinanganak ako noong september17 1990 sa brgy. sta. monica san pablo city ang magulang ko ay sina aurora carandang at ronie carandang senior tatlo kaming magkakapatid ako ang panganay sa tatlo ang kapatid ko ay sina rosel at ronie carandang jr. may kapatid pa ako sa una nag alaga sa aming tatlo.Tatlo din silang magkakapatid sina kuya arnel ate ayreen at raymond dona ang trabaho ng magulang ko ay nagtitinda ng isda sa palengke.

      Noong ako ay ipanganak sakitin ako, lagi akong nasa ospital sabi sa akin ni mama at papa meron daw akong sakit sa puso noon halos lumaki na nga daw ako sa ospital para gumaling lang ako nung ako'y inoperahan maayos ayos na ako non at buti nga daw nakaligtas at nakayanan ko ang operasyon. nung ako'y inilabas na sa ospital si ate ayreen ang nag alaga sa akin nung ipanganak si rosel at ronnie simula non inalagaan na kami nila kuya arnel, ate ayreen at kuya raymond si ate ayreen ay hindi na nag aral dahil tinatamad na sya si kuya arnel lang ang nagtapos ng pag aaral si kuya raymond naman ay talagang tamad pumasok kaya si ate ayreen at kuya raymond ay ang nag alaga sa amin. ako nga lang ang sakitin at laging nasa ospital kaya hirap silang mag alaga sa akin nung ako,y tumungtong na sa kinder lagi akong tahimik sa room hindi manlang ako nakikipaglaro sa mga kaklase ko si ate ayreen ang lagi kong kasama sa school kasi si mama at papa ay laging nasa bayan at laging nag titinda nung ako,y gumraduate na ng kinder syempre at bakasyon na madami akong ginagawang paglalaro tulad ng piko, sipa, badmenton at lagi kaming nag aaway ng mga kababata ko kasi laging nagdadayaan hehehe ang saya ko nga at ng yumaon nung lumibot na lagi kaming nasama kahit hindi kami pinapayagang magkakapatid na lumabas ng bahay pero lagi kaming tumatakas para lang makasama sa libot ang saya kasi pag humahawak kana ng kandila lagi kong pinapatakan ang kamay ko ng kandila at lagi kaming naglalaro ng apoy at lagi kaming bumibili ng binggo card ang saya kasi pag binobola na lagi kaming sigawan hehehe nung nagkaroon ng sta.crusan kinukuha akong reyna elena pero umayaw ako kasi wala akong damit kasi aarkila pa e. nung nagsimula na ang reyna elena sumama ako sa libot ang saya ko nga kasi ang layo ng nilakad namin pagkataposlagi kaming agawan sa pagkain.

kinder pa daw....bleh
      Noong ako'y elemantarya tahimik ako sa klase kasi wala pa akong kilala. nung tumagal nagkakilala na kami ng lubusan ang kukulit nga kasi lagi kaming naglalaro sa room. nung grade two na ako ang saya ko talaga kasi ang babait ng mga kaklase ko pero nung tumagal nagkasakit ako ng malubha hindi ako nakapasok napilatan tuloy akong tumigil ng pag aaral. kaya nung pasukan na grade two ulit ako at naging kaklase ko ang kapatid ko na si rocel kahit ganun masaya ako. nung grade three ako hanggang grade six madami akong naging kaibigan kaya tuwing nag iingay kami lagi kaming pinapagalitan ng teacher namin. nung tumagal nagkasakit ako ay hindi nanaman ako naka pasok kaya umulit ako kaya nag hiwahiwalay kaming magkakaibigan. nung tumagal bumalik ulit ako sa grade six simula non naka graduate na ako.

     Noong ako'y labing lima na ako ay first year na sa dizon high nahihiya pa ako makisama sa mga kaklase ko kasi nag iisa lang ako. wala kasi akong kakilala. tapos kinausap ako ng m,ga kaklase ko tapos naging close kami na sina macy at angela nung tumagal may nanligay sa akin ang pangalan ay ervin pero hindi ko sya sinagot kasi parang hindi sya seryoso sa akin. nung tumagal may nanligaw ulit sa akin doon sa amin ang pangalan ay adrian ang unang boy friend ko syempre naging kami pero hindi ko sya sineryoso noong september 10 ko sya sinagot pero nung mag monthsary hiniwalayan ko na sya simula non hindi na ako nakipag relasyon. Noong second year ako masaya ako dahil lagi kaming nag gagala sa lake ng mga kabarkada ko at lagi kaming nag kokompyuter lagi nga kaming lumiliban sa klase simula non kung saan kami pmunta ay laging magkakasama tuwing nay eksam lagi kaming kopyahan ng sagot pagkatapos may nakilala akong bagona kaibigan simula non lagi akona naliban sa klase at lagi kaming nag aaway nila macy at angel dahil iba na daw ang kaibigan ko at nagbago daw ako. simula non sa sobrang pagliban bumalik ako dahil bagsak sa science at T.L.E II kaya ako ay nag sisi. simula non nagtino na ako sa akoy mag third year di na ako lumiliban sa klase at nagkaroon ng bagong kaibigan na sina niela,joy,junalyn, jasmine at mary joy pag may quizz kami ay laging nag gagayahan.
shet..danda namin...nyahaha

3h ano naman ngun

who cares....
    Noong ako'y 4th year naging tahimik ako nung una kasi nagkahiwahiwalay kami. pero di nagtagal nabuo ulit kaming magkakabarkada tapos non nakilala ko si ryan catalonia na laging kinukwento ng kapatid ko sa akin na nanligaw sa kanya simula non lagi kong kinukulit si ryan kaya naging close kami at hindi nagtagal naging kami ni ryan. nung dumating si helen na nag transfer sa amin malas nga nya sa amin pa napa tapat kaya naging close namin sya. simula non lagi na namin syang kasama ang saya nga namin e tapos pinakilala ni ryan ang mga kaibigan nya na sina romer, jazz, jormel, jonathan at ronald simula non inaasar namin si niela kay romer at si jhunalyn kay jaspher at sinabi ni  niela na magpalit sila dahil crush ni niela si jaspher at si jhoy ay solong solo si ronald hehehe sana tumagal pa ang aming samahan at sana makapagtapos kami nitong darating na graduation.

Tuesday, February 22, 2011

Ang Talambuhay ni Arvie Bianca Padura ng Team Ogag

ako yan sa lake



                   Ako si arvie bianca padura. ipinanganak ako sa san francisco calihan, lungsod ng san pablo. ang pangalan ng aking  magulang ay sina Edith laluon padura at si Antero arvin padura. Ito ang aking buhay at pamilya. Panglima ako sa pitong magkakapatid. Limang lalaki at dalawa lang kaming babae. Wala akong litrato noong bata ako kasi wala akong makita o mahanap, sabi kasi ng mga kapatid  ko baka naitapon na.'

                    Hindi ko man alam ang nangyayari sa paligid ko. sabi mg mama ko , lagi daw akong hawak at nilalaro ng aking mhal na ama., kaya magkasundo kami. Ang pangalang Arvie ay kinuha sa pangalan ng papa ko na Arvin, at ang Bianca naman ay napulot     
                                                                          
                     Ang natatandaan ko noong limang taon palang ako ay lagi akong umiiyak kapag hindi ako nabibigyan ng piso o dalawang piso ng mama't- papa koo ng mga kuya ko. Hindi ako tumitigil sa pag- iyak hangga't hindi nila ako binigbigyan ng pera. Kahit wala na akong luha umiiyak parin ako, kaya minsan kapag hindi ako tumitigil sa pag-iyak, kukuha ang mama ko ng palo-palo yung ginagamit sa paglalaba ng damit. Syempre ako naman takbong-takbo  papunta sa kapit-bahay, hahabulin ako ng mama ko hanggang doon at kapag naabutan na niya ako kukurutin niya ako sa singit ng pinong-pino, tapos sasabihin ko 'tama na po, hindi na po'. Ganon kalupit ang aking ina, hindi kami mayaman, ang papa ko ay isang tricycle driver, ang mama ko naman sa bahay lang.                           

                      Kapag madaling araw na, sinasamahan ko si papa sa paghahatid ng pasahero, minsan pa nga sa pagsama ko kay papa may mga pasahero siya na nagbibigay sakin ng tsokolate, pagdating sa bahay itinatago ko na agad yung ibinigay sakin , kaya lang si papa lagi niyang sinasabi na ' ibahagi kung anung meron ka' kaya ayun! natuto na akong magbahagi sa kapwa ko kung anong meron ako. 

                      Nag kinder ako sa San Gregorio,kaya lng nalimutan ko kung anong pangalan ng paaralan  na'yon. Ang guro doon ay tiyahin ko at kapit-bahay namin, kapag inatake ako ng katamaran sa pagpasok, pupunta na lang ako sa bahay nila para magpaturo. 

                      Pitong taong gulang ako noong nasa unang baitang ako, sa Don Enrique Bautista Elementary Shcool' o maskilala bilang DEBES. Ang pangalan ng aking guro ay si Gng. Santos, paborito niya akong pagalitan kahit wala na man akong kasalanan. Kaya kapag pinapagalitan niya ako umiiyak nalang ako, natatakot naman akong magsumbong dahil baka paluin ako, nakakalungkot lang kasi namatay na siya dahil sa sakit.

                      Sa DEBES parin ako nag-aral sa pangalawang baitang ko, walong taong gulang ako.Naalala ko dati nung naging guro ko na si Gng, Ual, nakakatuwa kasi lagi siyang buntis,kaya kapag wala siya hindi narin kami na pasok. Kasi naman si ma'am kaaanak-anak lamang mamuka't-mukat mo,buntis ulit.Kaya namankapag alam namin na nagtuturo na siya, saka lang kami na pasok.

                      Nang ako naman ay nasa ikatlong baitang,siyam na taong gulang. Dito ko naranasan ung pinaka masakit na nang-yari sa aking buhay,kung pano mawalan ng ama.Kasi yung kuya kong panganay,si kuya Andrew.Palihim siya napunta sa amin  pagka tapos ng trabahoniya sa gabi, nakatira kasi si kuya sa ama ng papa ko, si papa kasi lagi ang naghahatid kay kuya pauwi sa bahay ng lolo ko, ng walang nakakakita .Noong nagpapahatid si kuya puwi sinabi ni papa sumama kaming lahat sa pashatid kay kuya, matapos naming ihatid si kuya,paguwi namin sa bahay hindi ako napakali, kinukutuban ako na may hindi magandang mangyayari. Mga tulog na ang tao sa'amin wala narin akong nagawa kundi matulog na, kaya lang mayamaya nagising nalang ako dahil maingay na sa paligid, un pala si papa ay nagsuka ng dugo, hindi nga nila alam ang gagawin, ako naman nakatingin lang ako kay papa. Hindi ko na malayan na tumutulo na pala ang luha ko. dinala nila si papa sa ospital kaya lang sa daan palang binawian na siya ng buhay.

                      Masakit sa akin ang nang yari kisi naging mabait siya sa lahat,kinuha agad siya. Mahirap lang kami pero sinusubukan niya ang makatulong sa iba kahit walang kapalito walang hinihinging anumang bagay. Namatay ang aking ama noong ika-9 ng marso taoong 2004 dahil sa sakit sa baga, simula nung namatay ang aking ama hindi na maganda ang nang yari sa'amin.

                      Ito naman nung nasa ika'apat na baitang na ako, sampung taong gulang, sa DEBES parin ako nasaaral. Wala pang isang taon nang namatay ang papa ko, si mama parang may itinatago sa amin! yun pala  may iba na siyang ipinalit kay papa. Dahil dito  hindi na niya nagagawa ang mga dapat nyang gawin, hindi niya kami inaalagaan, iresponsable na siyang ina samin. Noong magkasakit ang ate Ara ko dahil namana niya ang sakit ni Papa s baga, wala si mama s bahay ng gabing mangyari ito. Pinuntahan ng mga kapatid ko si mama para sabihin na may sakit si ate Ara. Nang makabalik na sila, sinabi daw sa kanila ni mama 'Huwag na daw siyang pakialaman'. Maliit palang ang mga kapatid ko para pabayaan niya. Simula noon unti-unti ng lumalayo ang loob ko sa kanya, gusto kong magalit sa kanya dahil sa ginawa niya, nagrebelde din ako dahil sa ginawa niya na dahil hindi niya kami iniintindi o pinahahalagahan. Galit at poot ang nanaig sa akin para sa kanya. Hindi rin nagtagal nagkaanak siya sa lalaking kinakasama niya.

                       Noong ako naman ay nasa ika limang baitang, labing isang taong gulang, nalaman ng magulang ni papa na medyo hindi na kami naasikaso ni mama, nagdesisyon sila na kuhain kaming dalawa ni ate Ara baka kung anu pa daw ang mangyari samin kasi puro lalaki samin. Nagdesisyon rin sila na ilipat ako sa ibang paaralan, sa San Anton. Dito ako nagpatuloy ng pagaaral ko. Si ate Ara naman pumasok sa Dizon High, dito sa atin. Napansin nila na parang laging hinahapo si ate, kaya pinatingnan siya sa doktor, ang resulta meron ding siyang sakit sa baga n katulad ng kay papa. Tinanung siya kung kaya niyang pumasok, ang sagot niya "Opo", pero habang tumagal lalong lumalala ang sakit niya, kaya pinatigil na lang siya sa pagpasok, pati sobrang payat niya, at ang pinakamasakit pa, hindi na namin ang gusto naming gawin. Ang mga magulang kasi ni papa masayadong mahigpit, sa sobrang higpit nasasakal na kami. Hindi na nakayanan ni ate, gusto kasi niyang maging malaya s lahat, kaya nagpasya siyang magpasundo at doon ulit tumira sa Calihan kasama ang mga kuya ko. Nahihirapan kasi siya sa sitwasyon niya. Hindi ako sumama sa kanya dahil alam ko na ang mangyayari sa susunod. 
samahang barkada ng mga adik

                        Ito na ang pinakahihintay ko. Ang pagtatapos sa ika anim na baitang. Masaya kami sa mga panahong ito, kasi nung mga bandang huli na, lagi kaming nakikinig ng kanta na panggraduation. Lalo na noong isa-isang tinatawag ang mga pangalan namin para umakyat sa entablado, habang ginawa namin ito, ang pakiramdam ko ay malungkot na masaya. Malungkot kasi magkakahiwa-hiwalay na kami, masaya dahil panibagong yugto nanaman ng buhay ang aming haharapin.

                         Pumasok ako ng sekondarya sa Dizon High, dito naging mas masaya ako, natutong makisama at natutong lumaban. Hanggang sa ika-apat na baitang ng sekondarya dito ako pumasok. Marami akong naging kaibigan dito, marami ding mababait at magagalang na estudyante. Pinaka gusto ko dito ay yung mga guro, dahil sila yung naging pangalawang magulang namin, naging gabay at higit sa lahat ay katuwang namin sila sa problema at tawanan. 

                         Noong nasa ikatlong baitang ako ng sekondarya ginanap ang aming 'JS prom'. Masaya ako dahil naranasan ko kung pa'no matapunan ng tubig sa aking damit, kung gano kasakit matapakan sa paa at higit sa lahat kung gaano ako kasaya noong isayaw ako ng crush ko, nahihiya ako ng konti na kinakabahan.Noong nakaraang 'JS 2011' hindi ako nakasali dahil tinataglay ko ang katamaran.

kami na mga batang pasaway
                          Ito yung litrato namin sa room, magulo at masaya kami dito, kasi walang guro kaya sinamantala namin yung oras na magkuhanan ng litrato. Ito naman kinuhanan sa 'Lake'. Masaya ako dahil kasama ko ang pinakamagulo kong kaibigan, gusto ko sila dahil nakasama ko sila sa tawanan, iyakan, kwentuhan, sa lahat ng kalokohan at higit sa lahat kasama ko sila sa kopyahan para makapasa. At ngayong nasa kasalukuyan na, ang pinakahihintay naming lahat sa entablado, ng masaya at walang pangamba.

la lang magawa 
sarap ng istambay sa lake

Saturday, February 19, 2011

Ang Talambuhay Ni Jerwin Biig (Ang Batang BIBIG)

ako at ang aking kapatid
 Ako si Jerwin Diangkinay Biig, ipinanganak ako noong ika-20 ng Setyembre taong 1994 sa San Pablo City Laguna. Ako ay pangalawa sa tatlong mag kakapatid, sila ay sina Sergie Biig at Janelle Rica Biig. Ang aking mga butihing magulang na sina Shirley Biig at Jorge Biig. Ang aking ina ay taga brgy. San Gabriel kung saan kami ay kasalukuyang naninirahan, ang kanyang pinag kakaabalahan ay ang pananahi. Samantalang ang aking ama ay taga Bagumbayan, at ang kanyang pinag kakaabalahan o trabaho ay ang pagiging isang driver. Sila ay may iisang magandang layunin para sa akin at sa aking mga kapatid. Upang matustusan an gaming mga pangangailangan. Kami ay may simpleng pamumuhay, ngunit masaya dahil wala kaming problema at buo an gaming pamilya. Pinag-aral ako ng aking mga magulang noong elementary sa San Gabriel Elem. School. Kung saan una kong natutunan ang mga magaganda at kapaki-pakinabang na bagay. Isa na doon ang pagigng palakaibigan at ang pagiging aktibo sa sport na basketball. Since before, ay hilig ko na iyon, at nakakalaro ko sa basketball ang aking mga kaibigan na sina Edibon Flores, Arvin, Hadji Ager, at Ringo Macaraig. Pero hindi lang sports ang nag papasaya sa akin, dahil mayroon akong inspiration noon kahit bata pa lang ako. Sila ay sina Diane Laguardia at Liezel San Sebastian, naging crush ko sila noong elementary. 
graduation namin noong kinder
nag try nga akong man ligaw kay Diane kaso walang nangyari. Hehehe. Pero mas pinag tutuunan ko parin ng pansin ang pag aaral . Because it is very significant for every individuals, it will be the best way for us to become a better human being. Maraming masasayang pangyayari noong elementary  pa lang ako, isa ako sa makukulit na estudyante pero napaka husay at aktibo ko naman sa klase. Likas na sa akin ang pag kakaroong ng ganung katangian. Palagi akong abala noon sa mga sports bukod sa pag aaral. Pati narin sa mga presentation tuwing may program sa school. March 23, kasabay kong nag tapos sa elementary ang aking mga kaklase at kaibigan isa na rin doon si Princess Macaraig. Nagkamit ako ng award na “achiever” at “extra curricular activity”, dahil narin sa sports at presentation na sinasalihan ko tuwing may program sa aming school. 
sagala sa amin
Noong naka graduate ako ng elementary, ipinag patuloy ko ang aking pag aaral sa Dizon. Kung saan nakilala ko ang aking mga kaibigan na sina Bj at Randell. Pag minsan kami ay nag cucutting dahil sa pag ka addict sa computer games. Tapos napapalaban na rin kami ng pustahan sa iba pang estudyante ng Dizon. Kaya marami akong naging kaibigan dahil sa pag lalaro naming ng computer games. Kaya kinabukasan pag pasok naming ay laging pinapatawag ang aming mga magulang sa school.Habang tumatagal, mas dumadami pa ang aking mga kaibigan. At dumadals din ang pag punta n gaming mga magulang sa school. Kaya palagi akong napapagalitan, dahil sa aking kakulitan sa aming school. Ganun pa man, kahit madalas ang aming pagliban sa klase, nagawa parin naming makapas sa bawat subject na aming pinapasukan. Kahit na nagagalit sa amin an gaming mga teachers.  Bilang freshman, masaya naman ang mga naging experiences ko sa school. Dahil na rin sa mga activities at program na ginaganap sa school.





ako lang

As days passing by, nabago na rin naming an gaming mga hindi magandang hobby, tulad ng pagiging sobrang makulit at pasaway namin. Kaya medyo nabawasan na ang mga teachers na nagagalit sa amin, dahil kapansin-pansin an gaming pag babago. Aside from that, we got a high grades in a different subjects. Kasi medyo nababawasan na ang mga destructions sa pag aaral ko. Kaya nang malaman ito ng aking parents natuwa sila sa akin, at hindi na rin ako masyadong pinapagalitan. At patuloy na tumataas ang aking mga grades sa lahat ng subjects, kaya mas lalung natuwa ang aking mga magulang. Dahil doon naging paborito pa ako ng aking teacher sa subject na Science. Lalu ko pang piñatas ang aking mga grades. Hanggang sa matapos ang taon, ay tuloy-tuloy ang pag taas ng aking grade. Noong second year naman ako ay mas lalung masaya, dahil mas lalung dumami ang aking mga kaibigan. Dahil dun marami akong bagay na nakahiligang gawinkapag nasa school. Tulad ng pakikilahok o pagsali sa mga nag lalaro ng basketball. Dahil elementary pa lang ako ay hilig ko na iyon.


As days passing by, nabago na rin naming an gaming mga hindi magandang hobby, tulad ng pagiging sobrang makulit at pasaway namin. Kaya medyo nabawasan na ang mga teachers na nagagalit sa amin, dahil kapansin-pansin an gaming pag babago. Aside from that, we got a high grades in a different subjects. Kasi medyo nababawasan na ang mga destructions sa pag aaral ko. Kaya nang malaman ito ng aking parents natuwa sila sa akin, at hindi na rin ako masyadong pinapagalitan. At patuloy na tumataas ang aking mga grades sa lahat ng subjects, kaya mas lalung natuwa ang aking mga magulang. Dahil doon naging paborito pa ako ng aking teacher sa subject na Science. Lalu ko pang piñatas ang aking mga grades. Hanggang sa matapos ang taon, ay tuloy-tuloy ang pag taas ng aking grade. Noong second year naman ako ay mas lalung masaya, dahil mas lalung dumami ang aking mga kaibigan. Dahil dun marami akong bagay na nakahiligang gawinkapag nasa school. Tulad ng pakikilahok o pagsali sa mga nag lalaro ng basketball. Dahil elementary pa lang ako ay hilig ko na iyon. 
ako at ang gf ko
Pero naaaddict na naman ako sa computer games, dahil may bago na namng uso ngunit di ko hinayaang bumaba ang aking grades. Dahil ayaw kong magalit na naman sa akin ang aking parents. Then when I was in third year I’ve met Marianne, gawa kasi ng pinsan ko classmate nya kasi yun. Noong una nag ka text kami tapos nabaitan ako sa kanya tska na kyutan ako sa kanya. One week ko syang nililigawan, tapos bigla akong nagulat nang sinagot nya ako dahil sobrang bilis lang. Napaisip tuloy ako kung seryoso sya.  After nun palagi ko na syang hinahatid sa sakayan, nung time na yun hindi naman kami nag kakausap nun siguro medyo torpe pa talaga ako o infatuation lang yung naramdaman ko for her at hindi “love”. Lumipas ang mga time na lagi kaming ganun, bago pa kami mag first monthsary nakipag break sya. Dahil nalaman sa kanila na may bf sya. Pero mabuti narin at nakipag break sya, kasi may isang girl na dumating sa buhay ko na mas higit sa kanya. January 2010 nakilala ko si Princess Kim, nag text ako sa kanya at nag reply naman sya. 

ako at ang gf ko
Tapos nag pakilala ako sa kanya personally at hindi sa text. Then we became a good friends. Tapos nag simula akong man ligaw sa kanya, isang buwan mahigit ang lumipas nung sinagot nya ako. Sobrang saya ko talaga noong time na naging kami, noon ko naramdaman ang totoong love, because she let me feel so special and no doubts of having someone like me in her life. Habang tumatagal lalung tumitibay ang aming relation. Dahil narin siguro parehas kaming nag papahalaga at totoo sa isat-isa. Every Saturday or week end palagi akong pumunta sa kanila para bumisita, simula noong ipinakilala nya ako sa parents nya. Isa yon sa mga bagay na nag pasaya sa akin. At ipinakilala ko na sya sa mga parents ko, sobra akong natuwa nang Makita ko na close na sila at noong ineentertain nilang mabuti si Princess Kim. Tska nalaman narin ng . Everytime, na bumibisita din sya sa amin para na syang kabilang sa family namin dahil napaka maasikaso nina mama at papa sa kanya. Kaya sobrang natuwa ang aking gf sa mga ipinapakita ng parents ko. One time, nag punta ako sa school nila para manuod ng program tska ininvite naman ako ng aking pinsan na si Ringo. Napangiti  ako nang Makita kong nag peperform  ang gf ko, at proud ako sa kanya. After the program, may isang lalake na biglang umimik sa akin at sinabing liligawan nya ang gf ko at iyon ay si Ryan. Kaya nag panuntok kami, kaso maraming umawat. Noong time na yun gf ko lang at ang mama nya ang kasama ko sa office ng guidance councilor, nung kinausap ako at si Ryan. At iyon ay naging problema ko muntik pang masira study ko. Pero buti na lang at naayos na ang problema. Tska Hindi ako papaya na may aagaw pa sa gf ko. Marami kaming masasayang moments, na palagi kong naiisip. Kaya noong araw na dumating sya sa buhay ko, yon na ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko. Dahil sya lang ang nag pahalaga sa akin at totoo ang pag mamahal na pinaparamdam. Kaya nga kahit mapaaway ako ok lang ,  wag lang syang maagaw ng iba. Ganun ko sya ka mahal, dahil labis labis na yung love na nararamdaman ko sa kanya. Bukod dun, sya yung girl na mabait,walang bisyo,simple,matalino at kaya akong ipaglaban. Kaya nang dumating ang feb.18 sobrang saya ko dahil isang taon na kami ng gf ko. Nag bonding kami, at puro happy moments na naman ang aking maaalala before I go to sleep. Wala nang kahit sino pa ang kayang higitan o tumbasan pa ang pagmamahal ng isang Princess Kim. She’s the only girl, whom I want to live with. Because she’s my everything, my inspiration and all what I needed.