Tuesday, February 22, 2011

Ang Talambuhay ni Arvie Bianca Padura ng Team Ogag

ako yan sa lake



                   Ako si arvie bianca padura. ipinanganak ako sa san francisco calihan, lungsod ng san pablo. ang pangalan ng aking  magulang ay sina Edith laluon padura at si Antero arvin padura. Ito ang aking buhay at pamilya. Panglima ako sa pitong magkakapatid. Limang lalaki at dalawa lang kaming babae. Wala akong litrato noong bata ako kasi wala akong makita o mahanap, sabi kasi ng mga kapatid  ko baka naitapon na.'

                    Hindi ko man alam ang nangyayari sa paligid ko. sabi mg mama ko , lagi daw akong hawak at nilalaro ng aking mhal na ama., kaya magkasundo kami. Ang pangalang Arvie ay kinuha sa pangalan ng papa ko na Arvin, at ang Bianca naman ay napulot     
                                                                          
                     Ang natatandaan ko noong limang taon palang ako ay lagi akong umiiyak kapag hindi ako nabibigyan ng piso o dalawang piso ng mama't- papa koo ng mga kuya ko. Hindi ako tumitigil sa pag- iyak hangga't hindi nila ako binigbigyan ng pera. Kahit wala na akong luha umiiyak parin ako, kaya minsan kapag hindi ako tumitigil sa pag-iyak, kukuha ang mama ko ng palo-palo yung ginagamit sa paglalaba ng damit. Syempre ako naman takbong-takbo  papunta sa kapit-bahay, hahabulin ako ng mama ko hanggang doon at kapag naabutan na niya ako kukurutin niya ako sa singit ng pinong-pino, tapos sasabihin ko 'tama na po, hindi na po'. Ganon kalupit ang aking ina, hindi kami mayaman, ang papa ko ay isang tricycle driver, ang mama ko naman sa bahay lang.                           

                      Kapag madaling araw na, sinasamahan ko si papa sa paghahatid ng pasahero, minsan pa nga sa pagsama ko kay papa may mga pasahero siya na nagbibigay sakin ng tsokolate, pagdating sa bahay itinatago ko na agad yung ibinigay sakin , kaya lang si papa lagi niyang sinasabi na ' ibahagi kung anung meron ka' kaya ayun! natuto na akong magbahagi sa kapwa ko kung anong meron ako. 

                      Nag kinder ako sa San Gregorio,kaya lng nalimutan ko kung anong pangalan ng paaralan  na'yon. Ang guro doon ay tiyahin ko at kapit-bahay namin, kapag inatake ako ng katamaran sa pagpasok, pupunta na lang ako sa bahay nila para magpaturo. 

                      Pitong taong gulang ako noong nasa unang baitang ako, sa Don Enrique Bautista Elementary Shcool' o maskilala bilang DEBES. Ang pangalan ng aking guro ay si Gng. Santos, paborito niya akong pagalitan kahit wala na man akong kasalanan. Kaya kapag pinapagalitan niya ako umiiyak nalang ako, natatakot naman akong magsumbong dahil baka paluin ako, nakakalungkot lang kasi namatay na siya dahil sa sakit.

                      Sa DEBES parin ako nag-aral sa pangalawang baitang ko, walong taong gulang ako.Naalala ko dati nung naging guro ko na si Gng, Ual, nakakatuwa kasi lagi siyang buntis,kaya kapag wala siya hindi narin kami na pasok. Kasi naman si ma'am kaaanak-anak lamang mamuka't-mukat mo,buntis ulit.Kaya namankapag alam namin na nagtuturo na siya, saka lang kami na pasok.

                      Nang ako naman ay nasa ikatlong baitang,siyam na taong gulang. Dito ko naranasan ung pinaka masakit na nang-yari sa aking buhay,kung pano mawalan ng ama.Kasi yung kuya kong panganay,si kuya Andrew.Palihim siya napunta sa amin  pagka tapos ng trabahoniya sa gabi, nakatira kasi si kuya sa ama ng papa ko, si papa kasi lagi ang naghahatid kay kuya pauwi sa bahay ng lolo ko, ng walang nakakakita .Noong nagpapahatid si kuya puwi sinabi ni papa sumama kaming lahat sa pashatid kay kuya, matapos naming ihatid si kuya,paguwi namin sa bahay hindi ako napakali, kinukutuban ako na may hindi magandang mangyayari. Mga tulog na ang tao sa'amin wala narin akong nagawa kundi matulog na, kaya lang mayamaya nagising nalang ako dahil maingay na sa paligid, un pala si papa ay nagsuka ng dugo, hindi nga nila alam ang gagawin, ako naman nakatingin lang ako kay papa. Hindi ko na malayan na tumutulo na pala ang luha ko. dinala nila si papa sa ospital kaya lang sa daan palang binawian na siya ng buhay.

                      Masakit sa akin ang nang yari kisi naging mabait siya sa lahat,kinuha agad siya. Mahirap lang kami pero sinusubukan niya ang makatulong sa iba kahit walang kapalito walang hinihinging anumang bagay. Namatay ang aking ama noong ika-9 ng marso taoong 2004 dahil sa sakit sa baga, simula nung namatay ang aking ama hindi na maganda ang nang yari sa'amin.

                      Ito naman nung nasa ika'apat na baitang na ako, sampung taong gulang, sa DEBES parin ako nasaaral. Wala pang isang taon nang namatay ang papa ko, si mama parang may itinatago sa amin! yun pala  may iba na siyang ipinalit kay papa. Dahil dito  hindi na niya nagagawa ang mga dapat nyang gawin, hindi niya kami inaalagaan, iresponsable na siyang ina samin. Noong magkasakit ang ate Ara ko dahil namana niya ang sakit ni Papa s baga, wala si mama s bahay ng gabing mangyari ito. Pinuntahan ng mga kapatid ko si mama para sabihin na may sakit si ate Ara. Nang makabalik na sila, sinabi daw sa kanila ni mama 'Huwag na daw siyang pakialaman'. Maliit palang ang mga kapatid ko para pabayaan niya. Simula noon unti-unti ng lumalayo ang loob ko sa kanya, gusto kong magalit sa kanya dahil sa ginawa niya, nagrebelde din ako dahil sa ginawa niya na dahil hindi niya kami iniintindi o pinahahalagahan. Galit at poot ang nanaig sa akin para sa kanya. Hindi rin nagtagal nagkaanak siya sa lalaking kinakasama niya.

                       Noong ako naman ay nasa ika limang baitang, labing isang taong gulang, nalaman ng magulang ni papa na medyo hindi na kami naasikaso ni mama, nagdesisyon sila na kuhain kaming dalawa ni ate Ara baka kung anu pa daw ang mangyari samin kasi puro lalaki samin. Nagdesisyon rin sila na ilipat ako sa ibang paaralan, sa San Anton. Dito ako nagpatuloy ng pagaaral ko. Si ate Ara naman pumasok sa Dizon High, dito sa atin. Napansin nila na parang laging hinahapo si ate, kaya pinatingnan siya sa doktor, ang resulta meron ding siyang sakit sa baga n katulad ng kay papa. Tinanung siya kung kaya niyang pumasok, ang sagot niya "Opo", pero habang tumagal lalong lumalala ang sakit niya, kaya pinatigil na lang siya sa pagpasok, pati sobrang payat niya, at ang pinakamasakit pa, hindi na namin ang gusto naming gawin. Ang mga magulang kasi ni papa masayadong mahigpit, sa sobrang higpit nasasakal na kami. Hindi na nakayanan ni ate, gusto kasi niyang maging malaya s lahat, kaya nagpasya siyang magpasundo at doon ulit tumira sa Calihan kasama ang mga kuya ko. Nahihirapan kasi siya sa sitwasyon niya. Hindi ako sumama sa kanya dahil alam ko na ang mangyayari sa susunod. 
samahang barkada ng mga adik

                        Ito na ang pinakahihintay ko. Ang pagtatapos sa ika anim na baitang. Masaya kami sa mga panahong ito, kasi nung mga bandang huli na, lagi kaming nakikinig ng kanta na panggraduation. Lalo na noong isa-isang tinatawag ang mga pangalan namin para umakyat sa entablado, habang ginawa namin ito, ang pakiramdam ko ay malungkot na masaya. Malungkot kasi magkakahiwa-hiwalay na kami, masaya dahil panibagong yugto nanaman ng buhay ang aming haharapin.

                         Pumasok ako ng sekondarya sa Dizon High, dito naging mas masaya ako, natutong makisama at natutong lumaban. Hanggang sa ika-apat na baitang ng sekondarya dito ako pumasok. Marami akong naging kaibigan dito, marami ding mababait at magagalang na estudyante. Pinaka gusto ko dito ay yung mga guro, dahil sila yung naging pangalawang magulang namin, naging gabay at higit sa lahat ay katuwang namin sila sa problema at tawanan. 

                         Noong nasa ikatlong baitang ako ng sekondarya ginanap ang aming 'JS prom'. Masaya ako dahil naranasan ko kung pa'no matapunan ng tubig sa aking damit, kung gano kasakit matapakan sa paa at higit sa lahat kung gaano ako kasaya noong isayaw ako ng crush ko, nahihiya ako ng konti na kinakabahan.Noong nakaraang 'JS 2011' hindi ako nakasali dahil tinataglay ko ang katamaran.

kami na mga batang pasaway
                          Ito yung litrato namin sa room, magulo at masaya kami dito, kasi walang guro kaya sinamantala namin yung oras na magkuhanan ng litrato. Ito naman kinuhanan sa 'Lake'. Masaya ako dahil kasama ko ang pinakamagulo kong kaibigan, gusto ko sila dahil nakasama ko sila sa tawanan, iyakan, kwentuhan, sa lahat ng kalokohan at higit sa lahat kasama ko sila sa kopyahan para makapasa. At ngayong nasa kasalukuyan na, ang pinakahihintay naming lahat sa entablado, ng masaya at walang pangamba.

la lang magawa 
sarap ng istambay sa lake

No comments:

Post a Comment